Martes, Marso 22, 2011

RH Bill, Ikasa!

Mamamayan muna hindi Mamaya na
RH Bill, Ikasa!
ni Jovel B. Calinao

“Bago umaksyon, proteksiyon!”

Ito’y isang linya mula sa isang komersiyal ng condom. Minumungkahi nito ang paggamit ng mga contraceptive para sa reproductive health ng mga Pilipino. Ito ay isa sa mga nasasaad sa Reproductive Health Bill, o mas kilala bilang RH Bill.

Ito ay isa na namang isyu, bukod sa sex education, sa gitna ng pamahalaan at ng Simbahang Katoliko. Ang populasyon ng Pilipinas ay patuloy na lumulobo. At sinasabi ng Simbahan na ang panukalang batas na ito ay indirektang aborsyon.

Ipinapanukala ng batas na ito ang kaalaman sa at paggamit ng natural at artificial family planning methods. May kalayaan ang mga tao na pumili sa dalawang ito. Dagdag pa rito, hindi ito panig o salungat sa alinman sa mga ito. Samakatuwid, sakop nito ang mga family planning method na ito.


Kabilang sa mga panukala nito ay ang kalusugan at nutrisyon ng ina at anak, pagtaguyod ng brest feeding, pag-iwas sa aborsiyon at post-abortion complications, pag-iwas at pangangasiwa sa mga sakit na may kaugnayan sa reproductive health, at ang kontrobersiyal na sex education. Ito ay lubos na nakakatulong sa mga mag-ina, mga mag-asawang magkaka-anak pa lang, at mga kabataang “aksidenteng” nabuntis. Ito ay malinaw na hindi pagkitil ng buhay, ngunit pagtulong sa mga taong nasasangkot.

Ang Simbahang Katoliko ay walang dahilan upang maging taliwas sa batas na ito. Maraming tao ang maaring maging laban sa simbahan. Alam ng lahat na lubos itong makakatulong. Maaring nitong mapabagal ang paglobo ng ating populasyon. Sa katunayan, may mga bali-balitang gumagamit ang ilang pari at madre ng mga contraceptive upang di sila magkaanak. Kaya, anong dahilan upang lumaban pa sila dito?

Sa katapusan, ang RH Bill ay dapat ipasa nang walang hadlang mula sa Simbahang Katoliko. Gaya ng isinasaad sa 1987 Constitution, magkahiwalay ang estado at ang simbahan, at walang kapangyarihan ang simbahan sa estado, ngunit ang estado sa simbahan.

K + 12, napapanahon ba ?

Editorial: K + 12, napapanahon ba?
ni Jovel Calinao


Isang napakalaking hamon sa kasalukuyang Administrasyong Aquino kung paano mapapaunlad at higit pang mapapataas ang kalidad ng edukasyon ng ating bansa kaya inilunsad nito ang K12 o karagdagang dalawang taon sa Kurikulum ng Sekundarya na magsisimula na sa 2012.Kaugnay nito ay inulan ng batikos si DepEd Sec. Bro. Armin Luistro tungkol sa mga pangunahing problema ng edukasyon at kung handa na nga ba ang pilipinas sa panibagong programang ito.

Ayon kay Fr. Bienvenido Nebres, presidente ng Ateneo de Manila University, Ang natututunan ng mga mag-aaaral ay hindi maaaring maibase lamang sa haba ng kanilang panahon na nasa paaralan. “If we put more years into the school, then we will increase the population of students at the already-crammed schools. Kung classroom pa lang kulang na, dadagdag pa mga estudyante EVERY YEAR, san na lang sila mapapadpad? Matututo pa ba sila? Hindi.” dagdag pa nito.

Malamang ay hindi na lang sila pumasok, kasi di na rin nila maiintindihan ang tinuturo ng kawawang teacher. Marami uuwi na lang, gagala, o ang masama nyan lalo dito sa Maynila - magpupunta sa lakwatsahan, maglalaro ng kompyuter, magsusugal, at iba pang bagay na maghahatid sa kanila sa kapariwaraan.

Iginiit ni DepED Sec. Luistro na layunin ng programang makapagprodyus ng 18 years old high school graduates sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mas mahabang panahon upang mag aral ng mabuti. Kung igugol na lang nila ang 2 taon sa pag-aaral at pagpapalawak ng kanilang kaalaman, mapapalaki pa ang kanilang pagkakataon upang makakuha ng mas magandang trabaho.Kailangan diumano ang ganitong programa dahil ang Pilipinas na lamang at ang bansang Bostwana ang mayroong sampung taong “basic education” samantalang ang karamihan ng mga bansa ay sumusunod sa 12 hanngang 14 taong pag-aaral.

Subalit K+12 nga ba ang sagot sa problema ng edukasyon? Hindi ba ito magiging dadag gastos lamang para sa mga magulang lalo na sa mga mahihirap na pamilya? Napapanahon at tama ba ang programang ito?

Unang –una ,sapat ba ang pundo ng Department of Education upang tustusan ang pangangailanganng bawat paaralan. Sa kasalukuyan ay marami pang paaralan ang nangangailangan ng mga silid aralan at ilan sa kanila ay nagkakasya na lamang sa ilalim ng puno, stage at ilang lugar na puwedeng kanlungan ng mga estudyante.

Dagdag pa rito ang mprastraktura sa karagdagang taon, karagdagang silid-aralan, ito ang problemang posibleng kaharapin ng gobyerno lalo na’t magdagdag sila ng taon sa Sekundarya.Isa pa sa mga pangunahing suliranin na dapat unahin ay ang problema sa mga guro Sapat ba ang guro sa bawat paaralan? Sa panahon ngayon ay marami pang mga paaralan ang nangangailangan ng mga guro na hindi mabigyan dahil na rin sa kakulangan ng pundo ng Department of Education. Kaya kung ipapatupad ito mangangailangan muli ng karagdagang mga guro na siyang magtuturo sa dagdag na dalawang taon.

Dapat pag-isipang mabuti ang programang ito kung ito man ay ipapatupad at isaalang-alang ang kasalukuyang problema ng edukasyon.. Hindi pa nga natutugunan ang mga sangkatutak na problema sa ating edukasyon ay iniilulunsad at pilit na isinusulong ang ganitong programa sa ating bansa. Maaring maganda ang K+12 program subalit hindi pa ito napapanahon;lalong hindi pa handa si juan dela cruz sa panibagong programang ito at dapat pa ring isaalang-alang ang ilang mga pangunahing suliranin bago magsagawa ng panibagong hakbang.

Ang NAMEPLATE BACKGROUND ng The Echo (Ang Sigaw)

THE ECHO (ANG SIGAW)

Ito ang pangalang napili ko para sa aking pahayagan. Hango ang pangalan ng aking pahayagan sa isang pelikulang pinagbidahan ni Richard Guttierez at Angel Locsin na pinamagatang The Echo (Sigaw) na aking napanuod kasama ang aking mga kaibigan noong 2005.Ito ay isang horror film sa direktor ni Yam Laranas kung saan nag-ani ito ng maraming parangal sa buong mundo.

Narito ang isang buod ng kwento ng The Echo galing sa http://www.horror.com/php/article-905-1.html

Sigaw ("The Echo")

A ghost movie with all the ingredients: Spooky little girl, dilapitated apartment building, and an unwitting new tenant.


Sigaw, aka “The Echo”, is an Asian ghost movie — I know what you’re thinking: Not another one! — but this one isn’t from China, Japan, or Korea. It’s a Filipino film directed by Yam Laranas, and it’s about a haunted apartment building that exists both in the present and the past.

When studious young Marvin (Richard Gutierez) moves into his first home away from home, he does his best to fix the grim little place up (though the unit makes the Dark Water set look like a palace) with the help of his buxom girlfriend, Pinky (Angel Locsin). At first things seem to be going well enough, despite the strange noises and the even stranger neighbors also residing on the water-stained 7th floor.

At night he hears a drunken, paranoid Bert (Jomari Yllana) verbally and physically abusing his wife Anna (Izza Calsado), and his young daughter Lara (Denise Guevarra), but Marvin doesn’t want to get involved — not only is Bert violent, but he’s a cop. However, the new tenant can’t help but get involved when one evening Anna pleads with him to baby-sit her daughter for a few hours, just until Bert simmers down. The fact that the little girl has long, dark hair ought to be clue enough, but what really sends Marvin over the edge is how she keeps disappearing and then reappearing in the oddest places. A limp, pitiful rag doll is her constant companion.

Marvin begins to doubt his own sanity. He shares his concerns with Pinky, who tries to convince him to move out, but this is his very first place, one that he bought with own money working at a nearby restaurant, and he isn’t about to be convinced so easily to just pick up and leave. Before long, Pinky starts having nightmarish experiences in the building too. Neither can deny that something is terribly wrong when the bloodstained apparitions of Anna and Lara show up in places other than Marvin’s apartment; the couple’s daily existence seems to fade in and out of reality and they vow to somehow set things right.

Sigaw, despite its oppressive use of drab olive greens and dreary sepia browns, is a beautifully shot film with some truly interesting camera angles and clever use of negative space. The moody musical score adds to the feelings of foreboding and danger, and the ambience of knocking, crying, and clanking are stealthily woven in to create a creepy cloak of sound. Each of the actors does a believable job of conveying a real sense of dread. While the solving of the mystery comes as no surprise and some questions are left hanging, the writer (Roy C. Iglesias) and director do a nice job of making the audience care what happens to the characters anyway.

Slowly drowning in a netherworld of torment and loneliness, Sigaw is not a feel-good horror movie. It’s not even particularly scary or thought-provoking, but there is something oddly compelling about it. While it spends too much time on the buildup and not enough on the resolution, Sigaw is definitely worth seeing at least once.

Sigaw will have its North American debut on October 14, 2005 at the ScreamfestLA International Horror Film Festival. Presumably, it’ll be on DVD shortly thereafter.

Kaugnay nito sa ginawa kong titulo ng aking pahayagan.Naisip ko na ang The Echo ay isang magandang NAMEPLATE upang isigaw ang lahat ng impormasyon sa pamamagitan ng pagsulat ng mga artikulo na masusi kong pinag-aralan. katulad din ng The Echo na pelikula na naging matagumpay sa pag ani ng karangalan, nais ko rin na masungkit ang pinakamataas na pagkilala sa dyaryong aking ginawa, ang The Echo (SIGAW).

halukay-utak sa mundo ng blogging